Mga Awit 122:1-9
Mga Awit 122:1-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ako ay nagalak nang sabihin nila: “Pumunta na tayo sa bahay ni Yahweh.” Sama-sama kami matapos sapitin, ang pintuang-lunsod nitong Jerusalem. Itong Jerusalem ay napakaganda, matatag at maayos na lunsod siya. Dito umaahon ang lahat ng angkan, lipi ni Israel upang manambahan, ang hangad, si Yahweh ay pasalamatan, pagkat ito'y utos na dapat gampanan. Doon din naroon ang mga hukuman at trono ng haring hahatol sa tanan. Ang kapayapaan nitong Jerusalem, sikaping kay Yahweh ito'y idalangin: “Ang nangagmamahal sa iyo'y pagpalain. Pumayapa nawa ang banal na bayan, at ang palasyo mo ay maging tiwasay.” Alang-alang sa kasama at pamilya ko, sa iyo Jerusalem, ang sabi ko'y ito: “Ang kapayapaa'y laging sumaiyo.” Dahilan sa bahay ni Yahweh, ating Diyos, ang aking dalangi'y umunlad kang lubos.
Mga Awit 122:1-9 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ako ay nagalak ng sabihin nila sa akin, “Pumunta tayo sa templo ng PANGINOON.” At ngayoʼy narito na kami at nakatayo sa pintuan ng Jerusalem. Ang Jerusalem ay bayan na itinayong maganda at matibay. Dito pumupunta ang mga lahi ng Israel upang purihin ang PANGINOON ng naaayon sa kanyang itinuro sa kanila. Dito sa Jerusalem ang hukuman ng mga hari na mula sa angkan ni David. Idalangin ninyo na maging mabuti ang kalagayan ng Jerusalem sa pamamagitan ng pagsasabi, “Umunlad sana ang nagmamahal sa bayan na ito. Magkaroon sana ng kapayapaan sa loob ng Jerusalem at kaunlaran sa palasyo nito.” Alang-alang sa aking mga kamag-anak at mga kaibigan, sasabihin ko sa Jerusalem, “Sumainyo ang kapayapaan.” Alang-alang sa templo ng PANGINOON na ating Dios, mananalangin ako para sa kabutihan at kaunlaran ng Jerusalem.
Mga Awit 122:1-9 Ang Biblia (TLAB)
Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin, tayo'y magsiparoon sa bahay ng Panginoon. Ang mga paa natin ay nagsisitayo sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem; Jerusalem, na natayo na parang bayang siksikan: Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon, na pinaka patotoo sa Israel, upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon. Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan, ang mga luklukan ng sangbahayan ni David. Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem: sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo. Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta, at kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio. Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama, aking sasabihin ngayon, kapayapaan ang sumaiyong loob. Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios. Hahanapin ko ang iyong buti.
Mga Awit 122:1-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ako ay nagalak nang sabihin nila: “Pumunta na tayo sa bahay ni Yahweh.” Sama-sama kami matapos sapitin, ang pintuang-lunsod nitong Jerusalem. Itong Jerusalem ay napakaganda, matatag at maayos na lunsod siya. Dito umaahon ang lahat ng angkan, lipi ni Israel upang manambahan, ang hangad, si Yahweh ay pasalamatan, pagkat ito'y utos na dapat gampanan. Doon din naroon ang mga hukuman at trono ng haring hahatol sa tanan. Ang kapayapaan nitong Jerusalem, sikaping kay Yahweh ito'y idalangin: “Ang nangagmamahal sa iyo'y pagpalain. Pumayapa nawa ang banal na bayan, at ang palasyo mo ay maging tiwasay.” Alang-alang sa kasama at pamilya ko, sa iyo Jerusalem, ang sabi ko'y ito: “Ang kapayapaa'y laging sumaiyo.” Dahilan sa bahay ni Yahweh, ating Diyos, ang aking dalangi'y umunlad kang lubos.
Mga Awit 122:1-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin, Tayo'y magsiparoon sa bahay ng Panginoon. Ang mga paa natin ay nagsisitayo Sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem; Jerusalem, na natayo Na parang bayang siksikan: Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon, Na pinaka patotoo sa Israel, Upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon. Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan, Ang mga luklukan ng sangbahayan ni David. Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem: Sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo. Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta, At kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio. Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama, Aking sasabihin ngayon, Kapayapaan ang sumaiyong loob. Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios. Hahanapin ko ang iyong buti.