Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 121:2-8

MGA AWIT 121:2-8 ABTAG01

Ang saklolo sa akin ay buhat sa PANGINOON, na siyang gumawa ng langit at lupa. Hindi niya papahintulutang ang paa mo'y madulas; siyang nag-iingat sa iyo ay hindi matutulog. Siyang nag-iingat ng Israel ay hindi iidlip ni matutulog man. Ang PANGINOON ay iyong tagapag-ingat; ang PANGINOON ay lilim mo sa iyong kanan. Hindi ka sasaktan ng araw kapag araw, ni ng buwan man kapag gabi. Iingatan ka ng PANGINOON sa lahat ng kasamaan; kanyang iingatan ang iyong kaluluwa. Ang iyong paglabas at ang iyong pagpasok ay kanyang iingatan, mula sa panahong ito at magpakailanpaman.