Buksan mo ang aking mga mata upang makita ko, ang kahanga-hangang mga bagay sa kautusan mo. Ako'y isang dayuhan sa lupain, huwag mong ikubli ang mga utos mo sa akin. Ang puso ko'y nadudurog sa pananabik sa lahat ng panahon sa mga batas mo. Iyong sinasaway ang mga walang galang, ang mga sinumpa na lumalayo sa iyong mga utos. Ang paglibak at pagkutya sa akin ay alisin mo, sapagkat iningatan ko ang iyong mga patotoo. Bagaman ang mga pinuno ay umuupong nagsasabwatan laban sa akin; ang lingkod mo'y magbubulay-bulay sa iyong mga tuntunin. Aking kasiyahan ang iyong mga patotoo, ang mga iyon ay aking mga tagapayo.
Basahin MGA AWIT 119
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: MGA AWIT 119:18-24
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas