Hinanap kita nang buong puso ko; O huwag nawa akong maligaw sa mga utos mo! Iningatan ko ang iyong salita sa aking puso, upang huwag akong magkasala laban sa iyo. Purihin ka, O PANGINOON; ituro mo sa akin ang iyong mga tuntunin! Ipinahahayag ng mga labi ko ang lahat ng mga batas ng bibig mo. Ako'y nagagalak sa daan ng iyong mga patotoo, gaya ng lahat ng kayamanan. Ako'y magbubulay-bulay sa mga tuntunin mo, at igagalang ang mga daan mo. Ako'y magagalak sa iyong mga tuntunin; hindi ko kalilimutan ang iyong salita.
Basahin MGA AWIT 119
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 119:10-16
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas