Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 109:21-31

MGA AWIT 109:21-31 ABTAG01

Ngunit ikaw, O Diyos kong PANGINOON, gumawa ka para sa akin alang-alang sa iyong pangalan, sapagkat ang iyong tapat na pag-ibig ay mabuti, iligtas mo ako! Sapagkat ako'y dukha at nangangailangan, at ang aking puso ay nasaktan sa loob ko. Ako'y naglalahong gaya ng anino kapag ito'y humahaba, ako'y nililiglig na gaya ng balang. Ang aking mga tuhod ay mahina dahil sa pag-aayuno, ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan. Ako nama'y naging hamak sa kanila, kapag nakikita nila ako, ang ulo nila ay kanilang iniiling. O PANGINOON kong Diyos! Tulungan mo ako; ayon sa iyong tapat na pag-ibig ako ay iligtas mo. Hayaan mong malaman nila na ito'y iyong kamay; ikaw, O PANGINOON, ang gumawa nito! Hayaang sumumpa sila, ngunit magpala ka! Kapag sila'y bumangon sila'y mapapahiya, ngunit ang iyong lingkod ay magagalak! Ang akin nawang mga kaaway ay masuotan ng kawalang-dangal; mabalot nawa sila sa kanilang kahihiyan na gaya ng sa isang balabal! Sa pamamagitan ng aking bibig ay magpapasalamat ako nang napakalaki sa PANGINOON, pupurihin ko siya sa gitna ng maraming tao. Sapagkat siya'y tumatayo sa kanang kamay ng nangangailangan, upang iligtas siya sa mga nagsisihatol sa kanyang kaluluwa.