Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 109:21-31

Salmo 109:21-31 ASND

Ngunit Panginoong DIOS, tulungan nʼyo ako upang kayo ay maparangalan. Iligtas nʼyo ako dahil kayo ay mabuti at mapagmahal. Dahil akoʼy dukha at nangangailangan, at ang damdamin koʼy nasasaktan. Unti-unti nang nawawala ang aking buhay. Itoʼy parang anino na nawawala pagsapit ng gabi, at parang balang na lumilipad at nawawala kapag nagalaw ang dinadapuan. Nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa pag-aayuno. Akoʼy payat na payat na. Akoʼy kinukutya ng aking mga kaaway. Iiling-iling sila kapag akoʼy nakita. PANGINOON kong Dios, iligtas nʼyo ako ayon sa pag-ibig nʼyo sa akin. At malalaman ng aking mga kaaway na kayo PANGINOON ang nagligtas sa akin. Isinusumpa nila ako, ngunit pinagpapala nʼyo ako. Mapapahiya sila kapag sinalakay nila ako ngunit ako na inyong lingkod ay magagalak. Silang nagbibintang sa akin ay lubusan sanang mapahiya, mabalot sana sila sa kahihiyan tulad ng damit na tumatakip sa buong katawan. Pupurihin ko ang PANGINOON, pupurihin ko siya sa harapan ng maraming tao. Dahil tinutulungan niya ang mga dukha upang iligtas sila sa mga nais magpahamak sa kanila.