Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 105:1-10

MGA AWIT 105:1-10 ABTAG01

O magpasalamat kayo sa PANGINOON, kayo'y magsitawag sa kanyang pangalan; ipabatid ninyo ang kanyang mga gawa sa mga bayan! Umawit kayo sa kanya, umawit kayo sa kanya ng mga papuri; sabihin ninyo ang lahat niyang kahanga-hangang mga gawa! Lumuwalhati kayo sa kanyang banal na pangalan; magagalak ang puso nila na nagsisihanap sa PANGINOON. Hanapin ninyo ang PANGINOON at ang kanyang kalakasan; patuloy ninyong hanapin ang kanyang mukha! Alalahanin ninyo ang mga kahanga-hangang gawa na kanyang ginawa; ang kanyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kanyang bibig, O kayong binhi ni Abraham na lingkod niya, mga anak ni Jacob, na mga pinili niya! Siya ang PANGINOON nating Diyos; ang kanyang mga kahatulan ay nasa buong lupa. Kanyang inaalala ang kanyang tipan magpakailanman, ang salita na kanyang iniutos sa libong salinlahi, ang tipan na kanyang ginawa kay Abraham, ang kanyang sinumpaang pangako kay Isaac, na kanyang pinagtibay kay Jacob bilang isang tuntunin, sa Israel bilang isang walang hanggang tipan