Ang PANGINOON ay mahabagin at mapagbiyaya, hindi magagalitin at sa tapat na pag-ibig ay sagana. Hindi siya laging makikipaglaban, ni pananatilihin ang kanyang galit magpakailanman. Hindi niya tayo pinakikitunguhan ayon sa ating mga kasalanan, ni ginantihan tayo nang ayon sa ating mga kasamaan. Sapagkat kung paanong ang mga langit ay mataas kaysa lupa, ang kanyang tapat na pag-ibig sa mga natatakot sa kanya ay gayon kadakila! Kung gaano ang layo ng silangan sa kanluran, gayon inilayo niya sa atin ang ating mga pagsuway.
Basahin MGA AWIT 103
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 103:8-12
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas