Ang PANGINOON ay nagsasagawa ng mga matuwid na gawa at katarungan sa lahat ng naaapi. Kanyang ipinaalam ang kanyang mga daan kay Moises, ang kanyang mga gawa sa mga anak ni Israel. Ang PANGINOON ay mahabagin at mapagbiyaya, hindi magagalitin at sa tapat na pag-ibig ay sagana. Hindi siya laging makikipaglaban, ni pananatilihin ang kanyang galit magpakailanman. Hindi niya tayo pinakikitunguhan ayon sa ating mga kasalanan, ni ginantihan tayo nang ayon sa ating mga kasamaan. Sapagkat kung paanong ang mga langit ay mataas kaysa lupa, ang kanyang tapat na pag-ibig sa mga natatakot sa kanya ay gayon kadakila! Kung gaano ang layo ng silangan sa kanluran, gayon inilayo niya sa atin ang ating mga pagsuway. Kung paanong ang ama ay nahahabag sa mga anak niya, gayon nahahabag ang PANGINOON sa mga natatakot sa kanya. Sapagkat ang ating kalagayan ay kanyang nalalaman, naaalala niya na tayo'y alabok. Tungkol sa tao, ang kanyang mga araw ay parang damo, siya'y lumalagong gaya ng bulaklak sa parang; ito'y dinaanan ng hangin, at ito'y naglaho, at ang mga lugar niyon ay hindi na nalalaman. Ngunit ang tapat na pag-ibig ng PANGINOON ay mula sa walang hanggan hanggang sa walang hanggan para sa mga natatakot sa kanya, at ang kanyang katuwiran ay hanggang sa mga anak ng mga anak, sa mga nag-iingat ng tipan niya, at sa nakakaalalang gawin ang mga utos niya.
Basahin MGA AWIT 103
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 103:6-18
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas