Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 100

100
Isang Awit para sa Handog na Pasasalamat.
1Sumigaw kayo na may kagalakan sa Panginoon, lahat na mga lupain!
2Maglingkod kayo sa Panginoon na may kagalakan;
magsilapit kayo sa kanyang harapan na may awitan.
3Kilalanin ninyo na ang Panginoon ay Diyos!
Siya ang lumalang sa atin, at tayo'y kanya;
tayo'y kanyang bayan, at mga tupa ng kanyang pastulan.
4Magsipasok kayo sa kanyang mga pintuan na may pagpapasalamat,
at sa kanyang mga bulwagan na may pagpupuri!
Magpasalamat kayo sa kanya, at purihin ninyo ang pangalan niya!
5Sapagkat#1 Cro. 16:34; 2 Cro. 5:13; 7:3; Ezra 3:11; Awit 106:1; 107:1; 118:1; 136:1; Jer. 33:11 ang Panginoon ay mabuti;
ang kanyang tapat na pag-ibig ay magpakailanman;
at ang kanyang katapatan ay sa lahat ng salinlahi.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 100: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in