Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 9:1-12

MGA KAWIKAAN 9:1-12 ABTAG01

Itinayo ng karunungan ang kanyang bahay, ang kanyang pitong haligi ay kanyang inilagay. Mga hayop niya ay kanyang kinatay, ang kanyang alak ay kanyang hinaluan, kanya ring inihanda ang kanyang hapag-kainan. Sinugo niya ang kanyang mga alilang babae upang manawagan, mula sa pinakamatataas na dako sa bayan, “Sinumang walang muwang, pumasok dito!” Sa kanya na mahina sa pag-unawa, ay sinasabi niya, “Halikayo, kumain kayo ng aking tinapay, at uminom kayo ng alak na aking hinaluan. Iwan ninyo ang kawalang muwang at kayo'y mabuhay, at kayo'y lumakad na may pang-unawa.” Siyang sumasaway sa manlilibak ay nakakakuha ng kahihiyan, at siyang sumasaway sa masama ay siya ring nasasaktan. Huwag mong sawayin ang manlilibak, baka kamuhian ka niya; sawayin mo ang marunong, at kanyang iibigin ka. Turuan mo ang marunong, at dudunong pa siyang lalo, turuan mo ang matuwid, at sa kaalaman siya'y lalago. Ang takot sa PANGINOON ang pasimula ng karunungan, at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan. Sapagkat sa pamamagitan ko ay dadami ang iyong mga araw, at ang mga taon ng iyong buhay ay madaragdagan. Kung ikaw ay pantas, pantas ka para sa sarili mo, at kung ikaw ay manlibak, mag-isa kang magpapasan nito.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA KAWIKAAN 9:1-12

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya