Mga Kawikaan 9:1-12
Mga Kawikaan 9:1-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Gumawa na ng tahanan itong karunungan, na itinayo niya sa pitong patibayan. Nagpatay siya ng hayop, nagtimpla ng inumin, ang mesa ay inihanda, punung-puno ng pagkain. Katulong ay isinugo sa gitna nitong bayan, upang lahat ay abutin ng ganitong panawagan: “Ang kulang sa kaalaman, dito ngayon ay lumapit.” Sa mga mangmang ay ganito ang sinambit: “Halikayo't inyong kainin ang pagkain ko, at tunggain ang inuming inilaan ko sa inyo. Lisanin ang kamangmangan upang kayo ay mabuhay, at ang landas ng unawa ang tahakin at daanan.” Ang pumupuna sa mapangutya ay nag-aani ng pagdusta, ang nagtutuwid sa masama'y nagkakamit ng alipusta. Punahin mo ang mapangutya at magagalit pa sa iyo, ngunit payuhan mo ang matalino at iibigin ka nito. Matalino'y turuan mo't lalo siyang tatalino, ang matuwid ay aralan, lalago ang dunong nito. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ang pagkilala sa Banal na Diyos ay may dulot na kaalaman. Sa pamamagitan ko, hahaba ang iyong mga araw, dahil sa akin, lalawig ang iyong buhay. Kung mayroon kang karunungan, mayroon kang pakinabang, ngunit ika'y magdurusa kapag siya'y tinanggihan.
Mga Kawikaan 9:1-12 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang karunungan ay katulad ng isang taong nagtayo ng kanyang bahay na may pitong haligi. Pagkatapos, nagkaroon siya ng malaking handaan. Naghanda siya ng mga pagkain at mga inumin. At saka inutusan niya ang mga katulong niyang babae na pumunta sa pinakamataas na lugar ng bayan para ipaalam ang ganito: “Kayong mga kulang sa karunungan at pang-unawa, inaanyayahan kayo sa isang malaking handaan. Halikayo, kumain kayo at uminom ng aking inihanda. Iwanan na ninyo ang kamangmangan upang mabuhay kayo nang matagal at may pang-unawa.” Kung sasawayin mo ang taong nangungutya, iinsultuhin ka niya. Kung sasawayin mo ang taong masama, sasaktan ka niya. Kaya huwag mong sasawayin ang taong nangungutya, sapagkat magagalit siya sa iyo. Sawayin mo ang taong marunong at mamahalin ka niya. Kapag tinuruan mo ang isang taong marunong, lalo siyang magiging marunong. At kapag tinuruan mo ang isang taong matuwid, lalo pang lalawak ang kanyang kaalaman. Ang paggalang sa PANGINOON ang pasimula ng karunungan. At ang pagkilala sa Banal na Dios ay nagpapahiwatig ng pagkaunawa. Sa pamamagitan ng karunungan, hahaba ang iyong buhay. Kung may karunungan ka, magdudulot ito sa iyo ng kabutihan, ngunit magdurusa ka kung itoʼy iyong tatanggihan.
Mga Kawikaan 9:1-12 Ang Biblia (TLAB)
Itinayo ng karunungan ang kaniyang bahay, kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi: Pinatay niya ang kaniyang mga hayop: hinaluan niya ang kaniyang alak; kaniya namang ginayakan ang kaniyang dulang. Kaniya namang sinugo ang kaniyang mga alilang babae; siya'y sumisigaw sa mga pinakapantas na dako sa bayan: Kung sinoma'y musmos, pumasok dito: tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya: Kayo'y magsiparito, magsikain kayo ng aking tinapay, at magsiinom kayo ng alak na aking hinaluan. Iwan ninyo, ninyong mga musmos at kayo'y mabuhay; at kayo'y magsilakad sa daan ng kaunawaan. Siyang sumasaway sa manglilibak ay nagtataglay ng kahihiyan sa kaniyang sarili: at siyang sumasaway sa masama ay nagtataglay ng pula sa kaniyang sarili. Huwag mong sawayin ang manglilibak, baka ipagtanim ka niya: sawayin mo ang pantas, at kaniyang iibigin ka. Turuan mo ang pantas, at siya'y magiging lalong pantas pa: iyong turuan ang matuwid, at siya'y lalago sa pagkatuto. Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan. Sapagka't sa pamamagitan ko ay dadami ang iyong mga kaarawan, at ang mga taon ng iyong buhay ay magsisidami. Kung ikaw ay pantas, ikaw ay pantas sa ganang iyong sarili: at kung ikaw ay manglilibak, ikaw na magisa ang magpapasan.
Mga Kawikaan 9:1-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Gumawa na ng tahanan itong karunungan, na itinayo niya sa pitong patibayan. Nagpatay siya ng hayop, nagtimpla ng inumin, ang mesa ay inihanda, punung-puno ng pagkain. Katulong ay isinugo sa gitna nitong bayan, upang lahat ay abutin ng ganitong panawagan: “Ang kulang sa kaalaman, dito ngayon ay lumapit.” Sa mga mangmang ay ganito ang sinambit: “Halikayo't inyong kainin ang pagkain ko, at tunggain ang inuming inilaan ko sa inyo. Lisanin ang kamangmangan upang kayo ay mabuhay, at ang landas ng unawa ang tahakin at daanan.” Ang pumupuna sa mapangutya ay nag-aani ng pagdusta, ang nagtutuwid sa masama'y nagkakamit ng alipusta. Punahin mo ang mapangutya at magagalit pa sa iyo, ngunit payuhan mo ang matalino at iibigin ka nito. Matalino'y turuan mo't lalo siyang tatalino, ang matuwid ay aralan, lalago ang dunong nito. Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay pasimula ng karunungan, ang pagkilala sa Banal na Diyos ay may dulot na kaalaman. Sa pamamagitan ko, hahaba ang iyong mga araw, dahil sa akin, lalawig ang iyong buhay. Kung mayroon kang karunungan, mayroon kang pakinabang, ngunit ika'y magdurusa kapag siya'y tinanggihan.
Mga Kawikaan 9:1-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Itinayo ng karunungan ang kaniyang bahay, Kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi: Pinatay niya ang kaniyang mga hayop: hinaluan niya ang kaniyang alak; Kaniya namang ginayakan ang kaniyang dulang. Kaniya namang sinugo ang kaniyang mga alilang babae; Siya'y sumisigaw sa mga pinakapantas na dako sa bayan: Kung sinoma'y musmos, pumasok dito: Tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya: Kayo'y magsiparito, magsikain kayo ng aking tinapay, At magsiinom kayo ng alak na aking hinaluan. Iwan ninyo, ninyong mga musmos at kayo'y mabuhay; At kayo'y magsilakad sa daan ng kaunawaan. Siyang sumasaway sa manglilibak ay nagtataglay ng kahihiyan sa kaniyang sarili: At siyang sumasaway sa masama ay nagtataglay ng pula sa kaniyang sarili. Huwag mong sawayin ang manglilibak, baka ipagtanim ka niya: Sawayin mo ang pantas, at kaniyang iibigin ka. Turuan mo ang pantas, at siya'y magiging lalong pantas pa: Iyong turuan ang matuwid, at siya'y lalago sa pagkatuto. Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan: At ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan. Sapagka't sa pamamagitan ko ay dadami ang iyong mga kaarawan, At ang mga taon ng iyong buhay ay magsisidami. Kung ikaw ay pantas, ikaw ay pantas sa ganang iyong sarili: At kung ikaw ay manglilibak, ikaw na magisa ang magpapasan.