Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 30:7-9

MGA KAWIKAAN 30:7-9 ABTAG01

Dalawang bagay ang sa iyo'y aking hinihiling; bago ako mamatay ay huwag mong ipagkait sa akin. Ilayo mo sa akin ang daya at ang kasinungalingan; huwag mo akong bigyan ng kasalatan o kayamanan man; pakainin mo ako ng pagkain na aking kinakailangan, baka ako'y mabusog, at itakuwil kita at sabihin ko, “Sino ang PANGINOON?” O baka ako'y maging dukha, at ako'y magnakaw, at ang pangalan ng aking Diyos ay malapastangan.