Mga Kawikaan 30:7-9
Mga Kawikaan 30:7-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Diyos ko, may hihilingin akong dalawang bagay bago ako mamatay: Huwag akong hayaang maging sinungaling. Huwag mo akong payamanin o paghirapin. Sapat na pagkain lamang ang ibigay mo sa akin. Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na kita kailangan. Baka naman kung maghirap ako'y matutong magnakaw, at pangalan mo'y malapastangan.
Mga Kawikaan 30:7-9 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON, may dalawang bagay akong hihilingin sa inyo. Kung maaari ibigay nʼyo ito sa akin bago ako mamatay. Una, tulungan nʼyo ako na huwag magsinungaling. Pangalawa, huwag nʼyo akong payamanin o pahirapin, sa halip bigyan nʼyo lamang ako ng sapat para sa aking mga pangangailangan. Dahil kung yumaman ako, baka sabihin kong hindi ko na kayo kailangan; at kung ako naman ay maghirap, baka matuto akong magnakaw at mailagay ko kayo sa kahihiyan.
Mga Kawikaan 30:7-9 Ang Biblia (TLAB)
Dalawang bagay ang hiniling ko sa iyo; huwag mong ipagkait sa akin bago ako mamatay. Ilayo mo sa akin ang walang kabuluhan at ang mga kasinungalingan: huwag mo akong bigyan ng kahit karalitaan o kayamanan man; pakanin mo ako ng pagkain na kailangan ko: Baka ako'y mabusog, at magkaila sa iyo, at magsabi, sino ang Panginoon? O baka ako'y maging dukha, at magnakaw ako, at gumamit ng paglapastangan sa pangalan ng aking Dios.
Mga Kawikaan 30:7-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Diyos ko, may hihilingin akong dalawang bagay bago ako mamatay: Huwag akong hayaang maging sinungaling. Huwag mo akong payamanin o paghirapin. Sapat na pagkain lamang ang ibigay mo sa akin. Baka kung managana ako ay masabi kong hindi na kita kailangan. Baka naman kung maghirap ako'y matutong magnakaw, at pangalan mo'y malapastangan.
Mga Kawikaan 30:7-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Dalawang bagay ang hiniling ko sa iyo; Huwag mong ipagkait sa akin bago ako mamatay. Ilayo mo sa akin ang walang kabuluhan at ang mga kasinungalingan: Huwag mo akong bigyan ng kahit karalitaan o kayamanan man; Pakanin mo ako ng pagkain na kailangan ko: Baka ako'y mabusog, at magkaila sa iyo, at magsabi, Sino ang Panginoon? O baka ako'y maging dukha, at magnakaw ako, At gumamit ng paglapastangan sa pangalan ng aking Dios.