Huwag mong hayaang iwan ka ng kabaitan at katotohanan; itali mo ang mga ito sa palibot ng iyong leeg, isulat mo sa iyong puso. Sa gayo'y makakatagpo ka ng lingap at mabuting pangalan sa paningin ng Diyos at ng tao. Sa PANGINOON ay buong puso kang magtiwala, at huwag kang manalig sa sarili mong pang-unawa. Sa lahat ng iyong mga lakad siya'y iyong kilalanin, at itutuwid niya ang iyong mga landasin. Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; matakot ka sa PANGINOON, at sa kasamaan ay lumayo ka. Ito'y magiging kagalingan sa laman mo, at kaginhawahan sa iyong mga buto.
Basahin MGA KAWIKAAN 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 3:3-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas