Mga Kawikaan 3:3-8
Mga Kawikaan 3:3-8 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan: Itali mo sa palibot ng iyong leeg; Ikintal mo sa iyong puso: Sa gayo'y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan, Sa paningin ng Dios at ng tao. Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, At huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, At kaniyang ituturo ang iyong mga landas. Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; Matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan: Magiging kagalingan sa iyong pusod, At utak sa iyong mga buto.
Mga Kawikaan 3:3-8 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pananalig at katapata'y huwag mong tatalikuran, ikuwintas sa iyong leeg at itanim sa isipan. Sa gayon, malulugod sa iyo ang Diyos, at kikilalanin ka ng mga tao. Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at lubusan, at huwag kang mananangan sa sariling karunungan. Sa lahat ng iyong gawain siya nga'y alalahanin, upang ika'y patnubayan sa iyong mga tatahakin. Huwag mong ipagyabang ang iyong nalalaman; igalang mo't sundin si Yahweh, at lumayo ka sa kasamaan. Sa gayon, ikaw ay lalakas at magiging matatag, mawawala ang pighati, gagaling ang iyong sugat.
Mga Kawikaan 3:3-8 Ang Salita ng Dios (ASND)
Manatili kang mapagmahal at matapat; alalahanin mo itong lagi at itanim sa iyong isipan. Kapag ginawa mo ito, malulugod ang Dios pati na ang mga tao. Magtiwala ka nang buong puso sa PANGINOON at huwag kang manalig sa iyong sariling karunungan. Alalahanin mo ang PANGINOON sa lahat ng iyong ginagawa at ituturo niya sa iyo ang tamang landas. Huwag mong isipin na napakarunong mo na. Matakot ka sa PANGINOON, at huwag gumawa ng masama. Para iyon sa ikabubuti at ikalalakas ng iyong katawan.
Mga Kawikaan 3:3-8 Ang Biblia (TLAB)
Huwag kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan: itali mo sa palibot ng iyong leeg; ikintal mo sa iyong puso: Sa gayo'y makakasumpong ka ng lingap at mabuting kaunawaan, sa paningin ng Dios at ng tao. Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling kaunawaan: Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga landas. Huwag kang magpakapantas sa iyong sariling mga mata; matakot ka sa Panginoon, at humiwalay ka sa kasamaan: Magiging kagalingan sa iyong pusod, at utak sa iyong mga buto.
Mga Kawikaan 3:3-8 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)