Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 23:22-25

MGA KAWIKAAN 23:22-25 ABTAG01

Dinggin mo ang iyong ama na naging anak ka, at huwag mong hamakin ang iyong ina kung siya'y matanda na. Bumili ka ng katotohanan at huwag mong ipagbili naman, bumili ka ng karunungan, ng pangaral at kaunawaan. Ang ama ng matuwid ay lubos na sasaya, at ang nagkaroon ng matalinong anak ay magagalak sa kanya. Hayaang ang iyong ama at ina ay sumaya, at siyang nagsilang sa iyo ay lumigaya.