Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 22:17-21

MGA KAWIKAAN 22:17-21 ABTAG01

Ito ang mga salita ng pantas: Ikiling mo ang iyong pandinig, at dinggin mo ang aking mga salita, at gamitin mo ang iyong isip sa aking kaalaman. Sapagkat magiging kaaya-aya kung ito'y iyong iingatan sa loob mo, kung mahahandang magkakasama sa mga labi mo. Upang malagak sa PANGINOON ang tiwala mo, aking ipinakilala sa iyo sa araw na ito, oo, sa iyo. Hindi ba ako sumulat sa iyo ng tatlumpung kasabihan, ng mga pangaral at kaalaman; upang ipakita sa iyo ang matuwid at totoo, upang maibigay mo ang totoong sagot sa mga nagsugo sa iyo?