Mga Kawikaan 22:17-21
Mga Kawikaan 22:17-21 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pakinggan mo at pag-aralang mabuti ang aking mga ituturo. Ito'y magdudulot sa iyo ng kaligayahan kung isasaulo mo. Sinasabi ko ito sa iyo sapagkat nais kong si Yahweh ang iyong panaligan. Tatlumpu ang kawikaang ito. Bawat isa ay magandang panuntunan at magdudulot ng kaalaman. Ituturo nito sa iyo kung ano ang katotohanan. Sa gayon, may maisasagot ka kung may magtanong sa iyo.
Mga Kawikaan 22:17-21 Ang Salita ng Dios (ASND)
Pakinggan mo ang mga sinasabi ng marurunong. Pakinggan mong mabuti habang itinuturo ko ito sa iyo, dahil magbibigay ito sa iyo ng kaligayahan kung malalaman mo ito at masasaulo. Itinuturo ko ito sa iyo ngayon upang magtiwala ka sa PANGINOON. Ang 30 Kawikaang ito na isinulat ko ay magdudulot sa iyo ng mga karunungan at payo. Sa pamamagitan nitoʼy malalaman mo ang mga katotohanan at masasagot mo ang mga magtatanong sa iyo.
Mga Kawikaan 22:17-21 Ang Biblia (TLAB)
Ikiling mo ang iyong pakinig, at iyong dinggin ang mga salita ng pantas, at ihilig mo ang iyong puso sa aking kaalaman. Sapagka't maligayang bagay kung iyong ingatan sa loob mo, kung mangatatatag na magkakasama sa iyong mga labi. Upang ang iyong tiwala ay malagak sa Panginoon, aking ipinakilala sa iyo sa kaarawang ito, oo, sa iyo. Hindi ba ako sumulat sa iyo ng mga marilag na bagay na mga payo at kaalaman; Upang ipakilala sa iyo ang katunayan ng mga salitang katotohanan, upang iyong maibalik ang mga salita ng katotohanan sa kanila na nagsusugo sa iyo?
Mga Kawikaan 22:17-21 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pakinggan mo at pag-aralang mabuti ang aking mga ituturo. Ito'y magdudulot sa iyo ng kaligayahan kung isasaulo mo. Sinasabi ko ito sa iyo sapagkat nais kong si Yahweh ang iyong panaligan. Tatlumpu ang kawikaang ito. Bawat isa ay magandang panuntunan at magdudulot ng kaalaman. Ituturo nito sa iyo kung ano ang katotohanan. Sa gayon, may maisasagot ka kung may magtanong sa iyo.
Mga Kawikaan 22:17-21 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ikiling mo ang iyong pakinig, at iyong dinggin ang mga salita ng pantas, At ihilig mo ang iyong puso sa aking kaalaman. Sapagka't maligayang bagay kung iyong ingatan sa loob mo, Kung mangatatatag na magkakasama sa iyong mga labi. Upang ang iyong tiwala ay malagak sa Panginoon, Aking ipinakilala sa iyo sa kaarawang ito, oo, sa iyo. Hindi ba ako sumulat sa iyo ng mga marilag na bagay Na mga payo at kaalaman; Upang ipakilala sa iyo ang katunayan ng mga salitang katotohanan, Upang iyong maibalik ang mga salita ng katotohanan sa kanila na nagsusugo sa iyo?