Pakinggan mo ang mga sinasabi ng marurunong. Pakinggan mong mabuti habang itinuturo ko ito sa iyo, dahil magbibigay ito sa iyo ng kaligayahan kung malalaman mo ito at masasaulo. Itinuturo ko ito sa iyo ngayon upang magtiwala ka sa PANGINOON. Ang 30 Kawikaang ito na isinulat ko ay magdudulot sa iyo ng mga karunungan at payo. Sa pamamagitan nitoʼy malalaman mo ang mga katotohanan at masasagot mo ang mga magtatanong sa iyo.
Basahin Kawikaan 22
Makinig sa Kawikaan 22
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Kawikaan 22:17-21
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas