Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 2:6-10

MGA KAWIKAAN 2:6-10 ABTAG01

Sapagkat ang PANGINOON ay nagbibigay ng karunungan, sa kanyang bibig nagmumula ang kaalaman at kaunawaan. Pinaglalaanan niya ang matuwid ng magaling na karunungan, siya'y kalasag sa mga lumalakad na may katapatan, upang mabantayan niya ang mga landas ng katarungan, at maingatan ang daan ng kanyang mga banal. Kung magkagayo'y mauunawaan mo ang katuwiran, ang katarungan at ang katapatan, bawat mabuting daan. Sapagkat papasok sa iyong puso ang karunungan, at magiging kaaya-aya sa iyong kaluluwa ang kaalaman.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA KAWIKAAN 2:6-10