Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 2:16-22

MGA KAWIKAAN 2:16-22 ABTAG01

Sa masamang babae ikaw ay maliligtas, mula sa mapakiapid at sa mga salita niyang binibigkas, na nagpapabaya sa kasamahan ng kanyang kabataan, at ang tipan ng kanyang Diyos ay kanyang kinalilimutan; sapagkat ang kanyang bahay ay lumulubog sa kamatayan, at ang kanyang mga landas tungo sa mga kadiliman; walang naparoroon sa kanya na nakakabalik muli, ni ang mga landas ng buhay ay kanilang nababawi. Kaya't ang lakad ng mabubuting tao ang iyong lakaran, at ang mga landas ng matuwid ang iyong pakaingatan. Sapagkat ang matuwid sa lupain ay mamamalagi, at ang walang sala doon ay mananatili. Ngunit ang masama ay tatanggalin sa lupain, at ang mga taksil doon ay bubunutin.