Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 2:1-6

MGA KAWIKAAN 2:1-6 ABTAG01

Anak ko, kung ang mga salita ko'y iyong tatanggapin, at mga utos ko sa iyo ay iyong pagyayamanin, ikiling mo sa karunungan ang iyong pandinig, at sa pang-unawa ang puso mo'y ihilig. Kung ikaw ay sumigaw upang makaalam, at itinaas ang iyong tinig upang makaunawa, kung kagaya ng pilak, ito'y iyong hahanapin, at tulad ng nakatagong kayamanan, ito'y sasaliksikin, kung magkagayo'y ang takot sa PANGINOON ay iyong mauunawaan, at ang kaalaman sa Diyos ay iyong matatagpuan. Sapagkat ang PANGINOON ay nagbibigay ng karunungan, sa kanyang bibig nagmumula ang kaalaman at kaunawaan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA KAWIKAAN 2:1-6

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya