Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 19:1-11

MGA KAWIKAAN 19:1-11 ABTAG01

Mas mabuti ang dukha na lumalakad sa kanyang katapatan, kaysa isang taong masama ang pananalita, at isang hangal. Hindi mabuti para sa isang tao ang walang kaalaman, at siyang nagmamadali sa kanyang mga paa ay naliligaw. Ang kahangalan ng tao ang sumisira sa kanyang landas, at ang kanyang puso ay nagagalit laban sa PANGINOON. Ang kayamanan ay nagdaragdag ng maraming bagong kaibigan, ngunit ang dukha ay iniiwan ng kanyang kaibigan. Ang bulaang saksi ay tiyak na parurusahan, at hindi makakatakas ang nagsasalita ng mga kasinungalingan. Marami ang naghahangad ng pagpapala ng taong may magandang-loob, at ang bawat tao'y kaibigan ng nagbibigay ng mga handog. Kinamumuhian ang mahirap ng lahat ng kanyang kapatid, gaano pa kaya ang ilalayo sa kanya ng kanyang mga kaibigan! Kanyang hinahabol sila ng mga salita, ngunit wala na sila. Siyang kumukuha ng karunungan ay umiibig sa sariling kaluluwa, siyang nag-iingat ng pang-unawa ay sasagana. Ang sinungaling na saksi ay tiyak na parurusahan, at ang nagsasalita ng mga kasinungalingan ay mamamatay. Hindi nababagay sa hangal ang mamuhay na marangya, lalo na sa alipin na sa mga pinuno ay mamahala. Ang matinong pag-iisip ng tao sa galit ay nagpapabagal, at kanyang kaluwalhatian na di pansinin ang kamalian.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA KAWIKAAN 19:1-11

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya