Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 15:15-21

MGA KAWIKAAN 15:15-21 ABTAG01

Lahat ng mga araw ng naaapi ay kasamaan, ngunit siyang may masayahing puso ay laging may kapistahan. Mas mabuti ang kaunti kung may takot sa PANGINOON, kaysa malaking kayamanan na may kaguluhan doon. Mabuti pa ang pagkaing gulay na may pag-ibig, kaysa pinatabang baka na may poot na kalakip. Ang mainiting tao ay nag-uudyok ng pagtatalo, ngunit siyang makupad sa galit ay nagpapahupa ng gulo. Ang daan ng tamad ay napupuno ng mga dawag, ngunit ang landas ng matuwid ay isang lansangang patag. Ang matalinong anak ay nagpapasaya ng ama, ngunit hinahamak ng taong hangal ang kanyang ina. Ang kahangalan ay kagalakan sa taong walang bait; ngunit ang may unawa ay lumalakad nang matuwid.