Mga Kawikaan 15:15-21
Mga Kawikaan 15:15-21 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ang buhay ng mga dukha ay palaging mahirap, ngunit kung makokontento lang sila ay palagi silang magiging masaya. Mas mabuti pang maging mahirap na may takot sa PANGINOON, kaysa maging mayaman na ang buhay ay puno ng kaguluhan. Mas mabuti pa ang mag-ulam ng kahit gulay lang pero may pagmamahalan, kaysa sa mag-ulam ng karne pero may alitan. Ang taong mainitin ang ulo ay nagpapasimula ng gulo, ngunit ang taong mahinahon ay tagapamayapa ng gulo. Kung ikaw ay tamad, buhay mo ay maghihirap, ngunit kung ikaw ay masipag, buhay mo ay uunlad. Ang anak na marunong ay ligaya ng magulang, ngunit ang anak na hangal ay hinahamak ang magulang. Ang taong walang pang-unawa ay nagagalak sa kamangmangan, ngunit ang may pang-unawa ay namumuhay nang matuwid.
Mga Kawikaan 15:15-21 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Lahat ng araw ng mahirap ay puno ng pakikipagbaka, ngunit ang masayahin, saganang piging ang kagaya. Ang mahirap na gumagalang at sumusunod kay Yahweh, ay mas mainam kaysa mayamang panay hirap naman ang kalooban. Mas masarap ang isang plato ng gulay na inihaing may pag-ibig kaysa isang matabang baka na inihaing may galit. Ang mainit na ulo ay humahantong sa alitan, ngunit pumapayapa sa kaguluhan ang mahinahong isipan. Ang landas ng batugan ay punung-puno ng tinik, ngunit patag na lansangan ang daan ng matuwid. Ang anak na may unawa ay kaligayahan ng isang ama, ngunit ang isang mangmang ay kahihiyan ng kanyang ina. Ang mga walang isip ay natutuwa sa mga bagay na kahangalan, ngunit lumalakad nang matuwid ang taong may kaalaman.
Mga Kawikaan 15:15-21 Ang Biblia (TLAB)
Lahat ng mga araw sa nagdadalamhati ay masama: nguni't siyang may masayang puso ay may laging kapistahan. Maigi ang kaunti na may pagkatakot sa Panginoon, kay sa malaking kayamanan na may kabagabagan. Maigi ang pagkaing gulay na may pagibig, kay sa matabang baka at may pagtataniman. Ang mainiting tao ay humihila ng pagtatalo: nguni't siyang makupad sa galit ay pumapayapa ng kaalitan. Ang daan ng tamad ay gaya ng bakuran na mga dawag: nguni't ang landas ng matuwid ay ginagawang maluwang na lansangan. Ang pantas na anak ay nagpapasaya ng ama: nguni't hinahamak ng mangmang ang kaniyang ina. Ang kamangmangan ay kagalakan sa walang bait: nguni't pinatutuwid ng maalam ang kaniyang lakad.
Mga Kawikaan 15:15-21 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Lahat ng araw ng mahirap ay puno ng pakikipagbaka, ngunit ang masayahin, saganang piging ang kagaya. Ang mahirap na gumagalang at sumusunod kay Yahweh, ay mas mainam kaysa mayamang panay hirap naman ang kalooban. Mas masarap ang isang plato ng gulay na inihaing may pag-ibig kaysa isang matabang baka na inihaing may galit. Ang mainit na ulo ay humahantong sa alitan, ngunit pumapayapa sa kaguluhan ang mahinahong isipan. Ang landas ng batugan ay punung-puno ng tinik, ngunit patag na lansangan ang daan ng matuwid. Ang anak na may unawa ay kaligayahan ng isang ama, ngunit ang isang mangmang ay kahihiyan ng kanyang ina. Ang mga walang isip ay natutuwa sa mga bagay na kahangalan, ngunit lumalakad nang matuwid ang taong may kaalaman.
Mga Kawikaan 15:15-21 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Lahat ng mga araw sa nagdadalamhati ay masama: Nguni't siyang may masayang puso ay may laging kapistahan. Maigi ang kaunti na may pagkatakot sa Panginoon, Kay sa malaking kayamanan na may kabagabagan. Maigi ang pagkaing gulay na may pagibig, Kay sa matabang baka at may pagtataniman. Ang mainiting tao ay humihila ng pagtatalo: Nguni't siyang makupad sa galit ay pumapayapa ng kaalitan. Ang daan ng tamad ay gaya ng bakuran na mga dawag: Nguni't ang landas ng matuwid ay ginagawang maluwang na lansangan. Ang pantas na anak ay nagpapasaya ng ama: Nguni't hinahamak ng mangmang ang kaniyang ina. Ang kamangmangan ay kagalakan sa walang bait: Nguni't pinatutuwid ng maalam ang kaniyang lakad.