Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 11:26-31

MGA KAWIKAAN 11:26-31 ABTAG01

Susumpain ng bayan ang nagkakait ng trigo, ngunit ang nagbibili niyon ay may pagpapala sa kanyang ulo. Ang masipag na humahanap ng mabuti ay humahanap ng pagpapala, ngunit ang kasamaa'y dumarating sa naghahanap ng masama. Siyang nagtitiwala sa kanyang mga kayamanan ay mabubuwal, ngunit ang matuwid ay mamumukadkad na parang dahong luntian. Magmamana ng hangin ang gumugulo sa kanyang sariling sambahayan, at magiging alipin naman ng marunong ang hangal. Ang bunga ng matuwid ay punungkahoy ng buhay; at ang humihikayat ng kaluluwa ay may karunungan. Kung ang matuwid sa lupa ay ginagantihan, gaano pa kaya ang masama at ang makasalanan!