Mga Kawikaan 11:26-31
Mga Kawikaan 11:26-31 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sinusumpa ng lahat ang nagkakait ng butil, ngunit pinupuri ang nagbibigay ng pagkain. Kung mabuti ang hangarin, ikaw ay igagalang, kapag humanap ng gulo, iyon ay masusumpungan. Malalantang tila dahon ang nagtitiwala sa kanyang yaman, ngunit ang matuwid ay giginhawa, tulad ng sariwang halaman. Ang nagpupunla ng gulo sa sariling sambahayan, mag-aani ng problema, gugulo ang pamumuhay. Ang taong mangmang at walang nalalaman, ay alipin ng matalino habang siya'y nabubuhay. Buhay ang dulot ng matuwid na pamumuhay, at kamatayan naman ang hatid ng karahasan. Ang matuwid ay ginagantimpalaan dito sa lupa, ngunit paparusahan naman ang mga makasalanan at masasama!
Mga Kawikaan 11:26-31 Ang Salita ng Dios (ASND)
Isinusumpa ang taong nagtatago ng paninda para maitinda ito kapag mataas na ang presyo, ngunit pinupuri ang taong hindi nagtatago ng paninda. Ang taong naghahanap ng kabutihan ay makakatagpo nito, ngunit ang taong naghahanap ng gulo ay makakatagpo rin ng gulo. Mabibigo ang taong nagtitiwala sa kanyang kayamanan, ngunit ang taong matuwid ay lalago na parang sariwang halaman. Ang mga hangal na nagdadala ng gulo sa sariling tahanan ay walang mamanahin sa huli. Magiging alipin lang sila ng mga taong may karunungan. Ang ginagawa ng mga taong matuwid ay makakatulong sa iba upang mapabuti at mapahaba ang kanilang buhay. At madadala niya ang mga tao sa pamamagitan ng kanyang karunungan. Ang mga ginagawa ng mga taong matuwid dito sa mundo ay ginagantihan ng kabutihan, gayon din sa makasalanan at hindi kumikilala sa Dios, ganti sa kanila ay kaparusahan.
Mga Kawikaan 11:26-31 Ang Biblia (TLAB)
Siyang humahawak ng trigo ay susumpain siya ng bayan: nguni't kapurihan ay mapapasaulo niya na nagbibili niyaon. Siyang humahanap na masikap ng mabuti ay humahanap ng lingap: nguni't siyang kumakatha ng sama ay sa kaniya lalagpak. Siyang tumitiwala sa kaniyang mga kayamanan ay mabubuwal: nguni't ang matuwid ay mamumukadkad na parang sariwang dahon. Siyang bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan ay magmamana ng hangin: at ang mangmang ay magiging alipin ng pantas sa puso. Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; at siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa. Narito, ang matuwid ay gagantihin sa lupa: gaano pa nga kaya ang masama at makasalanan!
Mga Kawikaan 11:26-31 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sinusumpa ng lahat ang nagkakait ng butil, ngunit pinupuri ang nagbibigay ng pagkain. Kung mabuti ang hangarin, ikaw ay igagalang, kapag humanap ng gulo, iyon ay masusumpungan. Malalantang tila dahon ang nagtitiwala sa kanyang yaman, ngunit ang matuwid ay giginhawa, tulad ng sariwang halaman. Ang nagpupunla ng gulo sa sariling sambahayan, mag-aani ng problema, gugulo ang pamumuhay. Ang taong mangmang at walang nalalaman, ay alipin ng matalino habang siya'y nabubuhay. Buhay ang dulot ng matuwid na pamumuhay, at kamatayan naman ang hatid ng karahasan. Ang matuwid ay ginagantimpalaan dito sa lupa, ngunit paparusahan naman ang mga makasalanan at masasama!
Mga Kawikaan 11:26-31 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Siyang humahawak ng trigo ay susumpain siya ng bayan: Nguni't kapurihan ay mapapasaulo niya na nagbibili niyaon. Siyang humahanap na masikap ng mabuti ay humahanap ng lingap: Nguni't siyang kumakatha ng sama ay sa kaniya lalagpak. Siyang tumitiwala sa kaniyang mga kayamanan ay mabubuwal: Nguni't ang matuwid ay mamumukadkad na parang sariwang dahon. Siyang bumabagabag ng kaniyang sariling sangbahayan ay magmamana ng hangin: At ang mangmang ay magiging alipin ng pantas sa puso. Ang bunga ng matuwid ay punong kahoy ng buhay; At siyang pantas ay humihikayat ng mga kaluluwa. Narito, ang matuwid ay gagantihin sa lupa: Gaano pa nga kaya ang masama at makasalanan!