Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 1:20-33

MGA KAWIKAAN 1:20-33 ABTAG01

Ang karunungan ay sumisigaw nang malakas sa lansangan; kanyang inilalakas ang kanyang tinig sa mga pamilihan. Siya'y sumisigaw sa mga panulukan; sa pasukan ng mga pintuang-bayan, kanyang sinasabi: “Hanggang kailan, O mga walang muwang, kayo'y iibig sa inyong kawalang kaalaman? Hanggang kailan ang mga manunuya ay matutuwa sa panunuya, at ang mga hangal ay mamumuhi sa kaalaman? Sa aking saway ay bumaling kayo; narito, ibubuhos ko ang aking espiritu sa inyo. Ang mga salita ko'y ipapaalam ko sa inyo. Sapagkat ako'y tumawag, at kayo'y tumanggi, iniunat ko ang aking kamay, at walang nakinig; at dahil ang lahat kong payo ay winalan ninyong saysay, at ayaw ninyong tanggapin ang aking saway; ako naman ay tatawa sa inyong kapahamakan; ako'y manunuya kapag ang takot sa inyo ay dumating, kapag ang takot ay dumating sa inyo na parang bagyo, at ang inyong kapahamakan ay dumating na parang ipu-ipo; kapag ang hirap at hapis ay dumating sa inyo. Kung magkagayo'y tatawag sila sa akin, ngunit hindi ako sasagot; hahanapin nila akong mabuti, ngunit hindi nila ako matatagpuan. Sapagkat kinamuhian nila ang kaalaman, at hindi pinili ang takot sa PANGINOON. Ayaw nila sa aking payo; hinamak nila ang lahat kong pagsaway. Kaya't kakainin nila ang bunga ng kanilang sariling lakad, at mabubusog sa kanilang sariling mga pakana. Sapagkat ang pagkaligaw ang pumapatay sa walang alam, at ang pagsasawalang-bahala ang sumisira sa hangal. Ngunit ang nakikinig sa akin ay tatahang tiwasay, at papanatag na walang takot sa kasamaan.”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA KAWIKAAN 1:20-33