Ang pangitain ni Obadias. Ganito ang sabi ng Panginoong DIYOS tungkol sa Edom: Kami ay nakarinig ng mga balita mula sa PANGINOON, at isang sugo ang ipinadala sa mga bansa: “Bumangon kayo! Tumindig tayo laban sa kanya sa pakikipagdigma!” Narito, gagawin kitang maliit sa mga bansa; ikaw ay lubhang hinahamak. Dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso, ikaw na naninirahan sa mga bitak ng bato, na ang tahanan ay matayog na nagsasabi sa iyong puso, “Sinong magbababa sa akin sa lupa?” Bagaman ikaw ay nagtatayo nang mataas na parang agila, bagaman inilalagay mo ang iyong pugad na kasama ng mga bituin, aking ibababa ka mula roon, sabi ng PANGINOON.
Basahin OBADIAS 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: OBADIAS 1:1-4
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas