Obadias 1:1-4
Obadias 1:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang aklat na ito ay naglalaman ng pangitaing ibinigay ng Panginoong Yahweh kay Propeta Obadias tungkol sa Edom. May narinig kaming ulat buhat sa Panginoong Yahweh; may isang sugo na ipinadala sa mga bansa: “Humanda kayo at ang Edom ay salakayin!” Sinabi ni Yahweh sa Edom, “Gagawin kitang pinakamahinang bansa, at kamumuhian ka ng lahat ng mga tao. Nilinlang ka ng iyong kayabangan; dahil ang kapitolyo mo'y nakatayo sa batong buháy; dahil ang tahanan mo'y nasa matataas na kabundukan. Kaya't sinasabi mo, ‘Sinong makakapagpabagsak sa akin?’” Kasintaas man ng pugad ng agila ang iyong bahay, o maging ang mga bituin man ay iyong kapantay, hahatakin kitang pababa at ikaw ay babagsak.
Obadias 1:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ito ang sinabi ng Panginoong DIOS tungkol sa bansa ng Edom, na kanyang ipinahayag kay Obadias. PANGINOON Nabalitaan nating mga Israelita mula sa PANGINOON, na nagsugo siya ng mensahero sa mga bansa upang hikayatin sila na salakayin ang bansa ng Edom. Sapagkat sinabi ng PANGINOON sa mga taga-Edom, “Makinig kayo! Gagawin ko kayong pinakamahina sa lahat ng bansa at hahamakin nila kayo. Sinasabi ninyo na walang makakapagpabagsak sa inyo dahil nakatira kayo sa lugar na mataas at mabato. Sa pagyayabang ninyong ito, dinadaya lamang ninyo ang inyong mga sarili. Sapagkat kahit gawin ninyong kasintaas ng lipad ng agila ang inyong tirahan at paabutin pa ninyo sa mga bituin, ibabagsak ko pa rin kayo sa lupa. Ako, ang PANGINOON, ang nagsasabi nito.
Obadias 1:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Ang pangitain ni Obadias. Ganito ang sabi ng Panginoong Dios tungkol sa Edom, Kami ay nakarinig ng mga balita na mula sa Panginoon, at isang sugo ay sinugo sa mga bansa, na nagsasabi, Magsibangon kayo, at tayo'y mangagtindig laban sa kaniya sa pakikipagbaka. Narito, ginawa kitang maliit sa mga bansa: ikaw ay lubhang hinamak. Dinaya ka ng kapalaluan ng iyong puso, Oh ikaw na tumatahan sa mga bitak ng bato, na ang tahanan ay matayog; na nagsasabi sa kaniyang puso, Sinong magbababa sa akin sa lupa? Bagaman ikaw ay pailanglang sa itaas na parang aguila, at bagaman ang iyong pugad ay malagay sa gitna ng mga bituin, aking ibababa ka mula roon, sabi ng Panginoon.
Obadias 1:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang aklat na ito ay naglalaman ng pangitaing ibinigay ng Panginoong Yahweh kay Propeta Obadias tungkol sa Edom. May narinig kaming ulat buhat sa Panginoong Yahweh; may isang sugo na ipinadala sa mga bansa: “Humanda kayo at ang Edom ay salakayin!” Sinabi ni Yahweh sa Edom, “Gagawin kitang pinakamahinang bansa, at kamumuhian ka ng lahat ng mga tao. Nilinlang ka ng iyong kayabangan; dahil ang kapitolyo mo'y nakatayo sa batong buháy; dahil ang tahanan mo'y nasa matataas na kabundukan. Kaya't sinasabi mo, ‘Sinong makakapagpabagsak sa akin?’” Kasintaas man ng pugad ng agila ang iyong bahay, o maging ang mga bituin man ay iyong kapantay, hahatakin kitang pababa at ikaw ay babagsak.
Obadias 1:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)