Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

NEHEMIAS 7

7
1Nang ang pader ay naitayo na at nailagay ko na ang mga pinto, ang mga bantay-pinto, mga mang-aawit, at ang mga Levita ay nahirang na,
2aking ibinigay kay Hanani na aking kapatid at kay Hananias na tagapamahala ng kuta, ang pamamahala sa Jerusalem, sapagkat siya'y isang higit na tapat na lalaki at natatakot sa Diyos kaysa marami.
3Sinabi ko sa kanila, “Huwag bubuksan ang mga pintuan ng Jerusalem hanggang sa ang araw ay uminit; at samantalang sila'y nagbabantay, isara nila at ikandado ang mga pinto. Humirang kayo ng mga bantay mula sa mga mamamayan ng Jerusalem, bawat isa'y sa kanyang binabantayan, at bawat isa'y sa tapat ng kanyang bahay.”
Ang Talaan ng mga Bumalik mula sa Pagkabihag
(Ezra 2:1-70)
4Ang lunsod ay maluwang at malaki, ngunit ang mga tao sa loob nito ay kakaunti at wala pang mga bahay na naitatayo.
5Inilagay ng Diyos sa aking puso na tipunin ang mga maharlika, mga pinuno, at ang taong-bayan upang magpatala ayon sa talaan ng lahi. Aking natagpuan ang aklat ng talaan ng lahi ng mga nagsiahon noong una, at aking natagpuang nakasulat doon:
6Ang mga ito ang mga tao ng lalawigan na nagsiahon mula sa pagkabihag na dinala ni Nebukadnezar na hari ng Babilonia; sila'y nagsibalik sa Jerusalem at sa Juda, bawat isa'y sa kanyang bayan.
7Sila'y dumating na kasama nina Zerubabel, Jeshua, Nehemias, Azarias, Raamias, Nahamani, Mordecai, Bilsan, Misperet, Bigvai, Nehum, at Baana. Ang bilang ng mga lalaki ng Israel ay ito:
8ang mga anak ni Paros, dalawang libo isandaan at pitumpu't dalawa.
9Ang mga anak ni Shefatias, tatlong daan at pitumpu't dalawa.
10Ang mga anak ni Arah, animnaraan at limampu't dalawa.
11Ang mga anak ni Pahat-moab, na mga anak ni Jeshua at ni Joab, dalawang libo't walong daan at labingwalo.
12Ang mga anak ni Elam, isang libo dalawandaan at limampu't apat.
13Ang mga anak ni Zatu, walong daan at apatnapu't lima.
14Ang mga anak ni Zacai, pitong daan at animnapu.
15Ang mga anak ni Binui, animnaraan at apatnapu't walo.
16Ang mga anak ni Bebai, animnaraan at dalawampu't walo.
17Ang mga anak ni Azgad, dalawang libo tatlong daan at dalawampu't dalawa.
18Ang mga anak ni Adonikam, animnaraan at animnapu't pito.
19Ang mga anak ni Bigvai, dalawang libo at animnapu't pito.
20Ang mga anak ni Adin, animnaraan at limampu't lima.
21Ang mga anak ni Ater, kay Hezekias, siyamnapu't walo.
22Ang mga anak ni Hasum, tatlong daan at dalawampu't walo.
23Ang mga anak ni Besai, tatlong daan at dalawampu't apat.
24Ang mga anak ni Harif, isandaan at labindalawa.
25Ang mga anak ng Gibeon, siyamnapu't lima.
26Ang mga lalaki ng Bethlehem at ng Netofa, isandaan at walumpu't walo.
27Ang mga lalaki ng Anatot, isandaan at dalawampu't walo.
28Ang mga lalaki ng Betazmavet, apatnapu't dalawa.
29Ang mga lalaki ng Kiryat-jearim, ng Cefira, at ng Beerot, pitong daan at apatnapu't tatlo.
30Ang mga lalaki ng Rama at ng Geba, animnaraan at dalawampu't isa.
31Ang mga lalaki ng Mikmas, isandaan at dalawampu't dalawa.
32Ang mga lalaki ng Bethel at ng Ai, isandaan at dalawampu't tatlo.
33Ang mga lalaki ng isa pang Nebo, limampu't dalawa.
34Ang mga anak ng isa pang Elam, isang libo dalawandaan at limampu't apat.
35Ang mga anak ni Harim, tatlong daan at dalawampu.
36Ang mga anak ng Jerico, tatlong daan at apatnapu't lima.
37Ang mga anak ng Lod, Hadid at Ono, pitong daan at dalawampu't isa.
38Ang mga anak ni Senaa, tatlong libo siyamnaraan at tatlumpu.
39Ang mga pari: ang mga anak ni Jedias sa sambahayan ni Jeshua, siyamnaraan at pitumpu't tatlo.
40Ang mga anak ni Imer, isang libo at limampu't dalawa.
41Ang mga anak ni Pashur, isang libo dalawandaan at apatnapu't pito.
42Ang mga anak ni Harim, isang libo at labimpito.
43Ang mga Levita: ang mga anak ni Jeshua, ni Cadmiel sa mga anak ni Odevia, pitumpu't apat.
44Ang mga mang-aawit: ang mga anak ni Asaf, isandaan at apatnapu't walo.
45Ang mga bantay-pinto: ang mga anak ni Shallum, ang mga anak ni Ater, ang mga anak ni Talmon, ang mga anak ni Akub, ang mga anak ni Hatita, ang mga anak ni Sobai, isandaan at tatlumpu't walo.
46Ang mga lingkod sa templo:#7:46 Sa Hebreo ay nethinim. ang mga anak ni Ziha, ang mga anak ni Hasufa, ang mga anak ni Tabaot;
47ang mga anak ni Keros, ang mga anak ni Sia, ang mga anak ni Fadon;
48ang mga anak ni Lebana, ang mga anak ni Hagaba, ang mga anak ni Salmai;
49ang mga anak ni Hanan, ang mga anak ni Giddel, ang mga anak ni Gahar;
50ang mga anak ni Reaya, ang mga anak ni Rezin, ang mga anak ni Nekoda;
51ang mga anak ni Gazam, ang mga anak ni Uza, ang mga anak ni Pasea;
52ang mga anak ni Besai, ang mga anak ni Meunim, ang mga anak ni Nephisesim;
53ang mga anak ni Bacbuc, ang mga anak ni Hacufa, ang mga anak ni Harhur;
54ang mga anak ni Baslit, ang mga anak ni Mehida, ang mga anak ni Harsa;
55ang mga anak ni Barkos, ang mga anak ni Sisera, ang mga anak ni Tema;
56ang mga anak ni Nesia, ang mga anak ni Hatifa.
57Ang mga anak ng mga lingkod ni Solomon; ang mga anak ni Sotai, ang mga anak ni Soferet, ang mga anak ni Perida;
58ang mga anak ni Jahala, ang mga anak ni Darkon, ang mga anak ni Giddel;
59ang mga anak ni Shefatias, ang mga anak ni Hattil, ang mga anak ni Pochereth-hazzebaim, ang mga anak ni Amon.
60Lahat ng mga lingkod sa templo, at ang mga anak ng mga lingkod ni Solomon ay tatlong daan at siyamnapu't dalawa.
61At sumusunod ay yaong umahon mula sa Telmelah, Telharsa, Kerub, Addon, at Imer, ngunit hindi nila mapatunayan ang mga sambahayan ng kanilang mga ninuno, kung sila ba ay kabilang sa Israel:
62ang mga anak ni Delaia, ang mga anak ni Tobias, ang mga anak ni Nekoda, animnaraan at apatnapu't dalawa.
63At sa mga pari: ang mga anak ni Hobaias, ang mga anak ni Hakoz, ang mga anak ni Barzilai, (na nag-asawa sa anak ni Barzilai na Gileadita, at tinawag ayon sa kanilang pangalan).
64Hinanap ng mga ito ang kanilang talaan ng lahi doon sa mga nakatala sa talaan ng lahi, ngunit iyon ay hindi natagpuan doon, kaya't sila'y ibinilang na marurumi at inalis sa pagkapari.
65Sinabi#Exo. 28:30; Deut. 33:8 sa kanila ng tagapamahala na huwag kakain ng kabanal-banalang pagkain, hanggang sa tumayo ang isang pari na may Urim at may Tumim.
66Ang buong kapisanang magkakasama ay apatnapu't dalawang libo at tatlong daan at animnapu,
67bukod sa kanilang mga lingkod na lalaki at babae na may pitong libo at tatlong daan at tatlumpu't pito; at sila'y may dalawandaan at apatnapu't limang mang-aawit na lalaki at babae.
68Ang kanilang mga kabayo ay pitong daan at tatlumpu't anim; ang kanilang mga mola ay dalawandaan at apatnapu't lima;
69ang kanilang mga kamelyo ay apatnaraan at tatlumpu't lima; ang kanilang mga asno ay anim na libo pitong daan at dalawampu.
Ang Salapi ay Ibinigay para sa Templo
70Ang ilan sa mga puno ng mga sambahayan ng mga ninuno ay nagbigay ng tulong sa gawain. Ang tagapamahala ay nagbigay sa kabang-yaman ng isang libong darikong ginto, limampung mangkok, limang daan at tatlumpung bihisan ng mga pari.
71Ang ilan sa mga puno ng mga sambahayan ng mga ninuno ay nagbigay sa kabang-yaman ng gawain ng dalawampung libong darikong ginto, at dalawang libo at dalawandaang librang pilak.
72Ang ibinigay na tulong ng nalabi sa bayan ay dalawampung libong darikong ginto, dalawang libong librang pilak, at animnapu't pitong bihisan ng mga pari.
73Kaya't#1 Cro. 9:2; Neh. 11:3 ang mga pari, mga Levita, mga bantay-pinto, mga mang-aawit, ang ilan sa mga mamamayan, at ang mga lingkod sa templo, at ang buong Israel ay nanirahan sa kanilang mga bayan. Nang dumating ang ikapitong buwan ang mga anak ni Israel ay nasa kanilang mga bayan.

Kasalukuyang Napili:

NEHEMIAS 7: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in