At ang lahat ng titingin sa iyo, ay lalayo sa iyo, at magsasabi, “Ang Ninive ay sira, sinong tataghoy sa kanya?” saan ako hahanap ng mga mang-aaliw para sa iyo? Ikaw ba'y mas mabuti pa sa Noamon na nakaupo sa tabi ng Nilo, na may tubig sa palibot niya; na ang kuta niya'y ang dagat, at ang tubig ay kanyang pader? Ang Etiopia ang kanyang lakas, pati ang Ehipto, at iyon ay walang hangganan; ang Put at Lubim ay kanyang naging mga katulong. Gayunman siya'y ipinatapon, siya'y dinala sa pagkabihag; maging ang kanyang mga anak ay pinagputul-putol sa dulo ng lahat ng mga lansangan; pinagpalabunutan ang kanyang mararangal na tao, at ang lahat ng kanyang mga dakilang tao ay ginapos ng mga tanikala. Ikaw man ay malalasing, ikaw ay itatago, ikaw ay hahanap ng kanlungan mula sa kaaway. Lahat ng iyong kuta ay magiging parang puno ng igos na may unang hinog na mga igos; na kapag inuga ay nalalaglag sa bibig ng kumakain. Narito, ang iyong bayan sila'y mga babae sa gitna mo. Ang mga pintuan ng iyong lupain ay bukas nang maluwang sa iyong mga kaaway; nilamon ng apoy ang iyong mga halang. Umigib ka ng tubig para sa pagkubkob; tibayan mo ang iyong mga muog; pumasok ka sa putikan, magbayo ka sa lusong, hawakan mo ang hulmahan ng tisa! Doon ka sasakmalin ng apoy; tatagpasin ka ng tabak. Lalamunin ka nito na gaya ng balang. Magpakarami kang gaya ng balang: magpakarami kang gaya ng tipaklong! Pinarami mo ang iyong mga mangangalakal nang higit kaysa mga bituin sa langit. Ibinuka ng balang ang kanyang mga pakpak at lumipad na papalayo. Ang iyong mga pinuno ay gaya ng mga tipaklong, at ang iyong mga tagapamahala ay parang kawan ng balang, na dumadapo sa mga bakod sa araw na malamig— kapag ang araw ay sumikat, sila'y nagliliparan, walang nakakaalam kung nasaan sila. Ang iyong mga pastol ay natutulog, O hari ng Asiria; ang iyong mga maharlika ay nahihimbing. Ang iyong bayan ay nakakalat sa mga bundok, at walang magtitipon sa kanila. Walang paggaling ang iyong sakit, ang iyong sugat ay malubha. Lahat ng makabalita sa iyo ay pumapalakpak ng kanilang kamay sa iyo. Sapagkat sino ang kailanma'y nakaligtas sa iyong walang tigil na kalupitan?
Basahin NAHUM 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: NAHUM 3:7-19
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas