Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

NAHUM 2

2
Ang Pagbagsak ng Ninive
1Ang tagapangalat ay umahon laban sa iyo.
Magtalaga ka ng tao sa mga kuta;
bantayan mo ang daan,
bigkisan mo ang iyong mga balakang,
tipunin mo ang lahat mong lakas.
2Sapagkat ibinabalik ng Panginoon ang karilagan ng Jacob,
gayundin ang karilagan ng Israel,
sapagkat hinubaran sila ng mga mandarambong
at sinira ang mga sanga ng kanilang mga puno ng ubas.
3Ang kalasag ng kanyang mga mandirigma ay pula,
ang kanyang mga kawal ay nakadamit ng matingkad na pula.
Ang mga bakal ng karwahe ay kumikislap
nang kanyang inihahanda sa pakikipaglaban;
ang mga sibat na abeto ay iwinasiwas.
4Ang mga karwahe ay humahagibis sa mga lansangan,
sila'y paroo't-parito sa mga liwasan;
ang mga anyo ng mga ito ay gaya ng mga sulo;
ang mga ito'y humahagibis na parang kidlat.
5Naaalala niya ang kanyang mga pinuno,
sila'y natitisod sa kanilang paglakad;
sila'y nagmamadali sa pader,
ang panakip ay inihanda.
6Ang mga pintuan ng mga ilog ay bukas,
at ang palasyo ay nalansag.
7At ito'y nakatakda na, siya'y hinubaran at dinala;
at ang kanyang mga alilang babae
ay nananaghoy na parang huni ng mga kalapati,
at dinadagukan ang kanilang mga dibdib.
8Ang Ninive ay gaya ng lawa ng tubig sa lahat ng mga araw niya, gayon may nagsisitakas,
“Tigil! Tigil!”—ngunit walang lumilingon.
9Samsamin ninyo ang pilak,
samsamin ninyo ang ginto!
Walang katapusan ang kayamanan,
o kayamanan ng bawat mahalagang bagay.
10Siya'y walang laman, pinabayaan at wasak!
Ang mga puso ay nanghihina, at ang mga tuhod ay nanginginig,
ang lahat ng mga balakang ay nanginginig,
ang lahat ng mga mukha ay namumutla!
11Nasaan ang yungib ng mga leon,
ang pastulan ng mga batang leon,
na pinagdadalhan ng leon ng kanyang biktima,
na kinaroroonan ng kanyang mga anak, na doo'y walang umaabala sa kanila?
12Ang leon ay lumalapa nang sapat para sa kanyang mga anak,
at lumalapa ng biktima para sa kanyang mga babaing leon;
pinupuno niya ang kanyang yungib ng biktima
at ang kanyang mga yungib ng nilapang laman.
13Narito, ako'y laban sa iyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking susunugin ang iyong mga karwahe sa usok, at lalamunin ng tabak ang iyong mga batang leon. Kukunin ko ang iyong biktima mula sa lupa, at ang tinig ng iyong mga sugo ay hindi na maririnig pa.

Kasalukuyang Napili:

NAHUM 2: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in