Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MARCOS 6:39-44

MARCOS 6:39-44 ABTAG01

Pagkatapos ay iniutos niya sa kanila na paupuin silang lahat nang pangkat-pangkat sa luntiang damo. Kaya't umupo sila nang pangkat-pangkat, nang tig-iisandaan at tiglilimampu. Kinuha niya ang limang tinapay at ang dalawang isda, tumingala siya sa langit, pinagpala at pinagputul-putol ang mga tinapay at ibinigay niya sa mga alagad upang ipamahagi sa mga tao. At ipinamahagi niya sa kanilang lahat ang dalawang isda. Kumain silang lahat at nabusog. Kanilang pinulot ang labindalawang kaing na punô ng pira-pirasong tinapay at mga isda. Ang mga kumain ng mga tinapay ay limang libong lalaki.