Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Marcos 6:39-44

Marcos 6:39-44 ASND

Pagkatapos, inutusan ni Jesus ang kanyang mga alagad na paupuin ng grupo-grupo ang mga tao sa damuhan. Kaya umupo nga sila ng grupo-grupo, tig-100 at tig-50 bawat grupo. Kinuha ni Jesus ang limang tinapay at dalawang isda. Tumingala siya sa langit at nagpasalamat sa Dios. Pagkatapos, hinati-hati niya ang tinapay at ibinigay sa mga tagasunod niya para ipamigay sa mga tao. Ganoon din ang ginawa niya sa isda. Kumain silang lahat at nabusog. Pagkatapos, tinipon nila ang natirang tinapay at isda, at nakapuno sila ng 12 basket. Ang bilang ng mga lalaking kumain ay 5,000.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya