Pagkatapos ay dumating sila sa Jerusalem. Pumasok siya sa templo at sinimulan niyang itaboy ang mga nagbibili at ang mga bumibili sa loob ng templo. Ipinagtataob niya ang mga mesa ng mga nagpapalit ng salapi at ang mga upuan ng mga nagbibili ng mga kalapati. Hindi niya pinahintulutan ang sinuman na magdala ng anuman na padadaanin sa templo. Nagturo siya at sinabi, “Hindi ba nasusulat, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-panalanginan para sa lahat ng mga bansa?’ Ngunit ginawa ninyo itong yungib ng mga magnanakaw.” Narinig ito ng mga punong pari at ng mga eskriba at sila'y naghanap ng paraan kung paano nila siya mapapatay, sapagkat natatakot sila sa kanya dahil maraming tao ang namangha sa kanyang aral. Nang sumapit na ang gabi, sila ay lumabas sa lunsod.
Basahin MARCOS 11
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MARCOS 11:15-19
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas