Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MARCOS 11:12-14

MARCOS 11:12-14 ABTAG01

Kinabukasan, nang dumating sila mula sa Betania ay nagutom siya. At pagkatanaw niya sa malayo ng isang puno ng igos na may mga dahon, lumapit siya upang tingnan kung may matatagpuan siya roon. At nang siya'y makalapit doon, wala siyang natagpuang anuman kundi mga dahon, sapagkat hindi pa panahon ng mga igos. Sinabi niya rito, “Wala nang sinumang makakakain pa ng bunga mula sa iyo.” Ito'y narinig ng kanyang mga alagad.