At sa araw na iyon, sabi ng PANGINOON, aking aalisin sa iyo ang mga kabayo mo, at aking sisirain ang iyong mga karwahe, at aking wawasakin ang mga lunsod ng iyong lupain, at aking ibabagsak ang lahat ng iyong tanggulan. Aalisin ko ang mga panghuhula sa iyong kamay; at hindi ka na magkakaroon ng mga manghuhula: Aalisin ko ang iyong mga larawang inanyuan at ang iyong mga haligi sa gitna ninyo, at hindi ka na sasamba sa gawa ng iyong mga kamay; at aking bubunutin ang iyong mga Ashera mula sa gitna mo; at aking wawasakin ang iyong mga bayan. Sa galit at poot ay maglalapat ako ng paghihiganti sa mga bansa na hindi nakinig.
Basahin MIKAS 5
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MIKAS 5:10-15
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas