Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 5:3-12

MATEO 5:3-12 ABTAG01

“Mapapalad ang mga dukha sa espiritu, sapagkat kanila ang kaharian ng langit. “Mapapalad ang mga nahahapis, sapagkat sila ay aaliwin. “Mapapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang lupa. “Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagkat sila ay bubusugin. “Mapapalad ang mga mahabagin, sapagkat sila'y kahahabagan. “Mapapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos. “Mapapalad ang mga mapagpayapa, sapagkat sila ay tatawaging mga anak ng Diyos. “Mapapalad ang mga inuusig dahil sa katuwiran, sapagkat kanila ang kaharian ng langit. “Mapapalad kayo kapag kayo ay nilalait, inuusig, at pinagsasabihan ng sari-saring kasamaan na pawang kasinungalingan dahil sa akin. “Magalak kayo at magsaya, sapagkat malaki ang gantimpala ninyo sa langit, sapagkat gayundin nila inusig ang mga propeta na nauna sa inyo.