Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 5

5
Ang Sermon sa Bundok
1Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok, at pagkaupo niya ay lumapit sa kanya ang mga alagad niya.
2At binuka niya ang kanyang bibig at tinuruan sila, na sinasabi:
Ang Mapapalad
(Lu. 6:20-23)
3“Mapapalad ang mga dukha sa espiritu, sapagkat kanila ang kaharian ng langit.
4“Mapapalad#Isa. 61:2 ang mga nahahapis, sapagkat sila ay aaliwin.
5“Mapapalad#Awit 37:11 ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang lupa.
6“Mapapalad#Isa. 55:1, 2 ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagkat sila ay bubusugin.
7“Mapapalad ang mga mahabagin, sapagkat sila'y kahahabagan.
8“Mapapalad#Awit 24:3, 4 ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos.
9“Mapapalad ang mga mapagpayapa, sapagkat sila ay tatawaging mga anak ng Diyos.
10“Mapapalad#1 Ped. 3:14 ang mga inuusig dahil sa katuwiran, sapagkat kanila ang kaharian ng langit.
11“Mapapalad#1 Ped. 4:14 kayo kapag kayo ay nilalait, inuusig, at pinagsasabihan ng sari-saring kasamaan na pawang kasinungalingan dahil sa akin.
12“Magalak#2 Cro. 36:16; Gw. 7:52 kayo at magsaya, sapagkat malaki ang gantimpala ninyo sa langit, sapagkat gayundin nila inusig ang mga propeta na nauna sa inyo.
Asin at Ilaw
(Mc. 9:50; Lu. 14:34, 35)
13“Kayo#Mc. 9:50; Lu. 14:34, 35 ang asin ng lupa; ngunit kung ang asin ay tumabang, paano maibabalik ang alat nito? Wala na itong kabuluhan, maliban sa itapon sa labas at tapakan ng mga tao.
14“Kayo#Jn. 8:12; 9:5 ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng isang burol ay hindi maitatago.
15Hindi#Mc. 4:21; Lu. 8:16; 11:33 nila sinisindihan ang isang ilawan at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang patungan at nagbibigay ng liwanag sa lahat ng nasa bahay.
16Paliwanagin#1 Ped. 2:12 ninyo nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin nila ang inyong Ama na nasa langit.
Ang Kautusan at mga Propeta
17“Huwag ninyong isiping pumarito ako upang sirain ang kautusan o ang mga propeta; pumarito ako hindi upang sirain, kundi upang tuparin ang mga ito.
18Sapagkat#Lu. 16:17 katotohanang sinasabi ko sa inyo, hanggang sa mawala ang langit at lupa, ang isang tuldok o isang kudlit ay hindi mawawala sa kautusan, hanggang sa matupad ang lahat ng mga bagay.
19Kaya't sinumang sumuway sa isa sa pinakamaliit sa mga utos na ito, at magturo nang gayon sa mga tao ay tatawaging pinakamaliit sa kaharian ng langit; ngunit ang sinumang tumupad at magturo ng mga ito ay tatawaging dakila sa kaharian ng langit.
20Sapagkat sinasabi ko sa inyo, malibang humigit ang inyong katuwiran sa katuwiran ng mga eskriba at mga Fariseo, ay hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit.
Turo tungkol sa Galit
21“Narinig#Exo. 20:13; Deut. 5:17 ninyo na sinabi sa mga tao noong unang panahon, ‘Huwag kang papatay; at ang sinumang pumatay ay mananagot sa hukuman.’
22Ngunit sinasabi ko sa inyo, na ang bawat napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman at ang sinumang magsabi sa kanyang kapatid, ‘Raca,’#5:22 Sa Griyego ay isang salitang ginagamit sa panlalait. ay mananagot sa Sanhedrin; at ang sinumang magsabi, ‘Ulol ka,’ ay magdurusa sa nag-aapoy na impiyerno.#5:22 Sa Griyego ay Gehenna.
23Kaya't kung maghahandog ka ng iyong kaloob sa dambana, at doon ay naalala mo na ang iyong kapatid ay mayroong anumang laban sa iyo,
24iwan mo roon sa harap ng dambana ang kaloob mo, at humayo ka; makipagkasundo ka muna sa iyong kapatid, at saka ka magbalik at maghandog ng iyong kaloob.
25Makipagkasundo ka agad sa nagsakdal sa iyo, habang kasama mo pa siya sa daan; baka ibigay ka ng nagsakdal sa iyo sa hukom, at ibigay ka naman ng hukom sa tanod, at ipasok ka sa bilangguan.
26Katotohanang sinasabi ko sa iyo, hindi ka makakalabas doon hanggang hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang kusing.
Turo tungkol sa Pangangalunya
27“Narinig#Exo. 20:14; Deut. 5:18 ninyo na sinabi, ‘Huwag kang mangangalunya.’
28Ngunit sinasabi ko sa inyo, na ang bawat tumitingin sa isang babae na may pagnanasa ay nagkasala na sa kanya ng pangangalunya sa kanyang puso.
29Kung#Mt. 18:9; Mc. 9:47 ang kanan mong mata ang sanhi ng iyong pagkakasala, dukitin mo ito at itapon, sapagkat mabuti pang mawalan ka ng isa sa mga bahagi ng iyong katawan kaysa ang buong katawan mo ay mapatapon sa impiyerno.
30At#Mt. 18:8; Mc. 9:43 kung ang kanan mong kamay ang sanhi ng iyong pagkakasala, putulin mo ito at itapon, sapagkat mabuti pang mawalan ka ng isa sa mga bahagi ng iyong katawan kaysa ang buong katawan mo ay mapunta sa impiyerno.
Turo tungkol sa Paghihiwalay ng Mag-asawa
(Mt. 19:9; Mc. 10:11, 12; Lu. 16:18)
31“Sinabi#Deut. 24:1-4; Mt. 19:7; Mc. 10:4 rin naman, ‘Sinumang makipaghiwalay sa kanyang asawang babae, dapat niyang bigyan ito ng kasulatan ng paghihiwalay.’
32Ngunit#Mt. 19:9; Mc. 10:11, 12; Lu. 16:18; 1 Cor. 7:10, 11 sinasabi ko sa inyo, na ang bawat nakikipaghiwalay sa kanyang asawang babae maliban sa pakikiapid, ay nagtutulak sa kanya sa pakikiapid; at ang sinumang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay nagkakasala ng pangangalunya.
Turo tungkol sa Panunumpa
33“Narinig#Lev. 19:12; Bil. 30:2; Deut. 23:21 din ninyo na sinabi sa mga tao noong unang panahon, ‘Huwag mong sisirain ang iyong panata kundi tutuparin mo ang iyong mga ipinanata sa Panginoon.’
34Ngunit#San. 5:12; Isa. 66:1; Mt. 23:22 sinasabi ko sa inyo, huwag ninyong ipanumpa ang anuman, maging ang langit, sapagkat iyon ang trono ng Diyos;
35kahit#Isa. 66:1; Awit 48:2 ang lupa, sapagkat ito ang tuntungan ng kanyang mga paa; kahit ang Jerusalem, sapagkat iyon ang lunsod ng dakilang Hari.
36Huwag mong ipanumpa maging ang iyong ulo, sapagkat hindi mo magagawang puti o itim ang isang buhok.
37Ngunit ang inyong pananalita ay maging oo kung oo; Hindi kung hindi; anumang higit pa rito ay buhat sa masama.
Turo tungkol sa Paghihiganti
(Lu. 6:29, 30)
38“Narinig#Exo. 21:24; Lev. 24:20; Deut. 19:21 ninyo na sinabi, ‘Mata sa mata, at ngipin sa ngipin.’
39Ngunit sinasabi ko sa inyo, ‘Huwag ninyong labanan ang masamang tao.’ At kung ikaw ay sampalin ng sinuman sa kanang pisngi, iharap mo rin sa kanya ang kabila.
40Kung ipagsakdal ka ng sinuman, at kunin ang iyong baro, ibigay mo rin sa kanya ang iyong balabal.
41Kung may sinumang pumilit sa iyo na lumakad ka ng isang milya, lumakad ka ng dalawang milya na kasama niya.
42Bigyan mo ang humihingi sa iyo, at huwag mong pagkaitan ang ibig humiram mula sa iyo.
Ibigin ang Kaaway
(Lu. 6:27, 28, 32-36)
43“Narinig ninyo na sinabi, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa, at kapootan mo ang iyong kaaway.’
44Ngunit sinasabi ko sa inyo, Ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang umuusig sa inyo,
45upang kayo'y maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit, sapagkat pinasisikat niya ang kanyang araw sa masasama at sa mabubuti, at nagpapaulan sa mga matuwid at sa mga di-matuwid.
46Sapagkat kung umiibig kayo sa mga umiibig lamang sa inyo, anong gantimpala mayroon kayo? Hindi ba gayundin ang ginagawa maging ng mga maniningil ng buwis?
47At kung mga kapatid lamang ninyo ang inyong binabati, anong ginagawa ninyo na higit kaysa iba? Hindi ba't kahit ang mga Hentil ay gayundin ang ginagawa?
48Kaya't kayo#Lev. 19:2; Deut. 18:13 nga'y maging sakdal, gaya ng inyong Ama sa langit na sakdal.

Kasalukuyang Napili:

MATEO 5: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in