Nang makita ni Jesus ang napakaraming tao, umakyat siya sa bundok, at pagkaupo niya ay lumapit sa kanya ang mga alagad niya. At binuka niya ang kanyang bibig at tinuruan sila, na sinasabi: “Mapapalad ang mga dukha sa espiritu, sapagkat kanila ang kaharian ng langit. “Mapapalad ang mga nahahapis, sapagkat sila ay aaliwin. “Mapapalad ang mga mapagpakumbaba, sapagkat mamanahin nila ang lupa. “Mapapalad ang mga nagugutom at nauuhaw sa katuwiran, sapagkat sila ay bubusugin. “Mapapalad ang mga mahabagin, sapagkat sila'y kahahabagan. “Mapapalad ang mga may malinis na puso, sapagkat makikita nila ang Diyos. “Mapapalad ang mga mapagpayapa, sapagkat sila ay tatawaging mga anak ng Diyos. “Mapapalad ang mga inuusig dahil sa katuwiran, sapagkat kanila ang kaharian ng langit. “Mapapalad kayo kapag kayo ay nilalait, inuusig, at pinagsasabihan ng sari-saring kasamaan na pawang kasinungalingan dahil sa akin. “Magalak kayo at magsaya, sapagkat malaki ang gantimpala ninyo sa langit, sapagkat gayundin nila inusig ang mga propeta na nauna sa inyo. “Kayo ang asin ng lupa; ngunit kung ang asin ay tumabang, paano maibabalik ang alat nito? Wala na itong kabuluhan, maliban sa itapon sa labas at tapakan ng mga tao. “Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng isang burol ay hindi maitatago. Hindi nila sinisindihan ang isang ilawan at inilalagay sa ilalim ng isang takalan, kundi sa talagang patungan at nagbibigay ng liwanag sa lahat ng nasa bahay. Paliwanagin ninyo nang gayon ang inyong ilaw sa harap ng mga tao; upang makita nila ang inyong mabubuting gawa, at luwalhatiin nila ang inyong Ama na nasa langit.
Basahin MATEO 5
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MATEO 5:1-16
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas