Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 13:1-15

MATEO 13:1-15 ABTAG01

Nang araw ding iyon ay lumabas si Jesus sa bahay at umupo sa tabi ng dagat. Nagtipun-tipon sa palibot niya ang napakaraming tao, kaya't sumakay siya sa isang bangka at umupo roon samantalang ang lahat ng tao ay nakatayo sa baybayin. At nagsalita siya sa kanila ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinghaga, na sinasabi: “Makinig kayo! Isang manghahasik ang humayo upang maghasik. Habang siya'y naghahasik, may mga binhing nahulog sa tabing daan; at dumating ang mga ibon at kinain nila ang mga ito. Ang iba nama'y nahulog sa batuhan na doo'y kakaunti lamang ang lupa; at kaagad silang sumibol yamang hindi malalim ang lupa. Kaya't pagsikat ng araw, ang mga iyon ay natuyo at dahil sa walang ugat ang mga iyon ay tuluyang nalanta. Ang iba ay nahulog sa mga tinikan. Lumaki ang mga tinik at sinakal ang mga iyon. Ang iba ay nahulog sa mabuting lupa, at namunga. Ang iba ay tig-iisang daan, ang iba ay animnapu, ang iba ay tatlumpu. Ang mga may pandinig ay makinig.” Lumapit ang mga alagad, at sinabi nila sa kanya, “Bakit ka nagsasalita sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga?” Sumagot siya at sinabi sa kanila, “Sapagkat sa inyo ipinagkaloob na malaman ang mga hiwaga ng kaharian ng langit, ngunit hindi ipinagkaloob sa kanila. Sapagkat sinumang mayroon ay lalong bibigyan, at magkakaroon siya ng kasaganaan; ngunit sinumang wala, pati ang nasa kanya ay kukunin. Dahil dito ay nagsasalita ako sa kanila sa pamamagitan ng mga talinghaga, sapagkat sa kanilang pagtingin ay hindi sila nakakakita, at sa kanilang pakikinig ay hindi sila nakakarinig, at hindi sila nakakaunawa. Natutupad nga sa kanila ang propesiya ni Isaias, na nagsasabi: ‘Sa pakikinig kayo'y makakarinig, ngunit kailanma'y hindi makakaunawa, at sa pagtingin kayo'y titingin, ngunit kailanma'y hindi makakabatid. Sapagkat naging manhid na ang puso ng bayang ito, at mahirap nang makarinig ang kanilang mga tainga, at ipinikit nila ang kanilang mga mata; baka ang kanilang mga mata'y makakita, at makarinig ang kanilang mga tainga, at makaunawa ang puso nila, at manumbalik sa akin, at sila'y aking pagalingin.’

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MATEO 13:1-15

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya