Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MATEO 12:15-21

MATEO 12:15-21 ABTAG01

Nang malaman ito ni Jesus ay umalis siya roon. Sinundan siya ng marami at pinagaling niya silang lahat, at ipinag-utos niya sa kanila, na siya'y huwag nilang ipamamalita. Ito ay upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ni propeta Isaias, na sinasabi: “Narito ang lingkod ko na aking hinirang, ang minamahal ko na kinalulugdan ng aking kaluluwa. Ilalagay ko sa kanya ang aking Espiritu, at ipahahayag niya ang katarungan sa mga Hentil. Hindi siya makikipagtalo, o sisigaw, o maririnig ng sinuman ang kanyang tinig sa mga lansangan. Hindi niya babaliin ang tambong nasugatan, o papatayin ang nagbabagang mitsa, hanggang ang katarungan ay dalhin niya sa tagumpay; at aasa ang mga Hentil sa kanyang pangalan.”