Mateo 12:15-21
Mateo 12:15-21 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang malaman ito ni Jesus, umalis siya sa lugar na iyon. Maraming tao ang sumunod sa kanya, at pinagaling niya ang lahat ng maysakit. Ngunit mahigpit niyang ipinagbilin na huwag nilang ipamalita kung sino siya. Sa gayon, natupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Propeta Isaias, “Narito ang lingkod ko na aking hinirang, ang aking minamahal at lubos na kinalulugdan; ibubuhos ko sa kanya ang aking Espiritu, at siya ang magpapairal ng katarungan sa mga bansa. Hindi siya makikipag-away o makikipagsigawan, ni magtataas ng boses sa mga lansangan, hindi niya puputulin ang tambong marupok, hindi rin niya papatayin ang ilawang umaandap, hanggang katarunga'y hindi nagtatagumpay nang ganap; at ang pag-asa ng mga Hentil, sa kanya ay ilalagak.”
Mateo 12:15-21 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nang malaman ni Jesus ang plano ng mga Pariseo, umalis siya roon. Marami ang sumunod sa kanya, at pinagaling niya ang lahat ng may sakit. Pero pinagbilinan niya silang huwag ipaalam sa iba kung sino siya. Katuparan ito ng sinabi ng Dios sa pamamagitan ni Propeta Isaias: “Narito ang pinili kong lingkod. Minamahal ko siya at kinalulugdan. Ibibigay ko sa kanya ang aking Espiritu, at ipapahayag niya ang katarungan sa mga bansa. Hindi siya makikipagtalo o mambubulyaw, at hindi maririnig ang kanyang tinig sa daan. Hindi niya ipapahamak ang mahihina ang pananampalataya o pababayaan ang mga nawawalan ng pag-asa. Hindi siya titigil hanggaʼt hindi niya napapairal ang katarungan. At ang mga tao sa lahat ng bansa ay mananalig sa kanya.”
Mateo 12:15-21 Ang Biblia (TLAB)
At pagkahalata nito ni Jesus ay lumayo roon: at siya'y sinundan ng marami; at kaniyang pinagaling silang lahat, At ipinagbilin niya sa kanila, na siya'y huwag nilang ihayag: Upang matupad ang sinabi sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi, Narito, ang lingkod ko na aking hinirang; At minamahal ko na kinalulugdan ng aking kaluluwa: Isasakaniya ko ang aking Espiritu, At ihahayag niya ang paghuhukom sa mga Gentil. Hindi siya makikipagtalo, ni sisigaw; Ni maririnig man ng sinoman ang kaniyang tinig sa mga lansangan. Hindi niya babaliin ang tambong gapok, At hindi papatayin ang timsim na umuusok, Hanggang sa papagtagumpayin ang paghuhukom. At aasa sa kaniyang pangalan ang mga Gentil.
Mateo 12:15-21 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang malaman ito ni Jesus, umalis siya sa lugar na iyon. Maraming tao ang sumunod sa kanya, at pinagaling niya ang lahat ng maysakit. Ngunit mahigpit niyang ipinagbilin na huwag nilang ipamalita kung sino siya. Sa gayon, natupad ang sinabi ng Diyos sa pamamagitan ni Propeta Isaias, “Narito ang lingkod ko na aking hinirang, ang aking minamahal at lubos na kinalulugdan; ibubuhos ko sa kanya ang aking Espiritu, at siya ang magpapairal ng katarungan sa mga bansa. Hindi siya makikipag-away o makikipagsigawan, ni magtataas ng boses sa mga lansangan, hindi niya puputulin ang tambong marupok, hindi rin niya papatayin ang ilawang umaandap, hanggang katarunga'y hindi nagtatagumpay nang ganap; at ang pag-asa ng mga Hentil, sa kanya ay ilalagak.”
Mateo 12:15-21 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)