Nang malaman ni Jesus ang plano ng mga Pariseo, umalis siya roon. Marami ang sumunod sa kanya, at pinagaling niya ang lahat ng may sakit. Pero pinagbilinan niya silang huwag ipaalam sa iba kung sino siya. Katuparan ito ng sinabi ng Dios sa pamamagitan ni Propeta Isaias: “Narito ang pinili kong lingkod. Minamahal ko siya at kinalulugdan. Ibibigay ko sa kanya ang aking Espiritu, at ipapahayag niya ang katarungan sa mga bansa. Hindi siya makikipagtalo o mambubulyaw, at hindi maririnig ang kanyang tinig sa daan. Hindi niya ipapahamak ang mahihina ang pananampalataya o pababayaan ang mga nawawalan ng pag-asa. Hindi siya titigil hanggaʼt hindi niya napapairal ang katarungan. At ang mga tao sa lahat ng bansa ay mananalig sa kanya.”
Basahin Mateo 12
Makinig sa Mateo 12
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mateo 12:15-21
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas