Kayo'y isinumpa ng isang sumpa, sapagkat ninanakawan ninyo ako—ng inyong buong bansa! Dalhin ninyo ang buong ikasampung bahagi sa kamalig upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at sa gayo'y subukin ninyo ako ngayon, sabi ng PANGINOON ng mga hukbo. Tingnan ninyo kung hindi ko bubuksan para sa inyo ang mga bintana ng langit, at ibubuhos ko sa inyo ang isang pagpapala na walang sapat na kalalagyan. Aking sasawayin ang mananakmal alang-alang sa inyo, kaya't hindi nito sisirain ang mga bunga ng inyong lupa; at ang inyong puno ng ubas sa parang ay hindi mawawalan ng bunga, sabi ng PANGINOON ng mga hukbo. Tatawagin kayong mapapalad ng lahat ng mga bansa, sapagkat kayo'y magiging lupain ng katuwaan, sabi ng PANGINOON ng mga hukbo. “Ang inyong mga salita ay naging marahas laban sa akin, sabi ng PANGINOON. Gayunma'y inyong sinasabi, ‘Paano kami nagsalita nang laban sa iyo?’ Inyong sinabi, ‘Walang kabuluhan ang maglingkod sa Diyos. Ano ang aming pakinabang sa pagtupad namin sa kanyang utos o sa paglakad nang tulad sa may pananangis sa harap ng PANGINOON ng mga hukbo? Ngayo'y ating tinatawag na mapalad ang palalo; hindi lamang umuunlad ang mga gumagawa ng masama, kundi kapag kanilang tinutukso ang Diyos, sila'y nakakatakas.’” Nang magkagayo'y nag-usap silang mga natatakot sa PANGINOON. Binigyang-pansin sila ng PANGINOON at pinakinggan, at ang isang aklat ng alaala ay isinulat sa harap niya, para sa kanila na natakot sa PANGINOON at nagpahalaga sa kanyang pangalan.
Basahin MALAKIAS 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: MALAKIAS 3:9-16
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas