Iyan ang dahilan kung bakit ko isinumpa ang buong bansa. Pero ngayon, hinahamon ko kayo na subukan ninyo ako, ang PANGINOONG Makapangyarihan. Dalhin ninyo nang buo ang inyong mga ikapu sa bodega ng templo upang may pagkain sa aking templo. Kapag ginawa ninyo ito, padadalhan ko kayo ng ulan at ibubuhos ko ang sobra-sobrang pagpapala. Hindi ko papayagang sirain ng peste ang inyong mga pananim o malagas ang bunga ng inyong mga ubas. Tatawagin kayong mapalad ng lahat ng bansa, dahil napakabuting tirhan ang inyong lupain. Ako, ang PANGINOONG Makapangyarihan, ang nagsasabi nito.” Sinabi pa ng PANGINOON, “Masasakit ang inyong sinabi tungkol sa akin. Pero itinatanong ninyo, ‘Ano ang sinabi naming masakit tungkol sa inyo?’ Hindi baʼt sinabi ninyo, ‘Walang kabuluhan ang maglingkod sa Dios. Ano ba ang mapapala natin kung susundin natin ang kanyang mga utos? At ano ang mapapala natin kung ipapakita natin sa Dios na nalulungkot tayo at nagsisisi sa ating mga kasalanan? Masasabi pa nga natin na mapalad ang mga taong mayabang. Sapagkat sila na gumagawa ng masama ay umuunlad. At kahit na sinusubukan nila ang Dios, hindi sila pinarurusahan.’ ” Pagkatapos, nag-usap-usap ang mga taong may paggalang sa PANGINOON. Narinig ng PANGINOON ang kanilang pinag-uusapan. Ang kanilang pangalan ay isinulat sa aklat na nasa harapan ng PANGINOON, para maalala niya silang mga may takot at kumikilala sa kanya.
Basahin Malakias 3
Makinig sa Malakias 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Malakias 3:9-16
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas