Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

LUCAS 19:37-40

LUCAS 19:37-40 ABTAG01

Nang malapit na siya sa libis ng bundok ng mga Olibo, ang lahat ng napakaraming mga alagad ay nagpasimulang magalak at magpuri sa Diyos nang may malakas na tinig dahil sa lahat ng mga makapangyarihang gawa na kanilang nakita, na sinasabi, “Mapalad ang Hari na dumarating sa pangalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit, at kaluwalhatian sa kataas-taasan!” Ilan sa mga Fariseo na mula sa maraming tao ay nagsabi sa kanya, “Guro, sawayin mo ang iyong mga alagad.” At sumagot siya, “Sinasabi ko sa inyo na kung tatahimik ang mga ito, ang mga bato'y sisigaw.”