Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Lucas 19:37-40

Lucas 19:37-40 ASND

Nang pababa na siya sa Bundok ng mga Olibo at malapit na sa Jerusalem, nagsigawan sa tuwa ang lahat ng tagasunod niya at nagpuri nang malakas sa Dios dahil sa mga himalang nasaksihan nila. Sinabi nila, “Pinagpala ng Panginoon ang haring kanyang ipinadala. Mayroon na tayong magandang relasyon sa Dios. Purihin ang Dios sa langit!” Sinabi sa kanya ng ilang Pariseong kasama ng karamihan, “Guro, sawayin mo ang mga tagasunod mo.” Pero sinagot sila ni Jesus, “Sinasabi ko sa inyo: kung tatahimik sila, ang mga bato na ang sisigaw ng papuri.”